Tungkol sa Masyado
Ang masyado ay Filipino para sa "too much." At aminin natin, minsan masyado talaga: masyadong maraming kaltas, masyadong magulong payslip, masyadong mahabang paliwanag na wala namang sagot.
Kaya namin ginawa ang site na ito. Dito, makakahanap ka ng mga libreng calculator para sa mga madalas nating itanong tungkol sa pera, at mga article na nagpapaliwanag kung paano kino-compute ang bawat isa, nang malinaw at walang paligoy-ligoy.
Para kanino ito?
Para sa mga empleyado, freelancer, at OFW na gustong malaman agad ang sagot, kahit nasa phone lang at may limang minuto bago bumalik sa trabaho.
Paano kami nagtatrabaho
- Libre at walang sign-up. Ang mga calculator ay tumatakbo sa browser mo. Hindi namin sine-save ang mga numerong nilalagay mo.
- May source ang bawat rate. Sa bawat calculator, makikita mo ang effective date ng rates na ginamit, kung kailan namin huling na-check, at may link sa official source (BIR, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG).
- Estimates lang. Hindi kami accountant o abogado, at hindi ito financial, tax, o legal advice. Para sa eksaktong kaso mo, kausapin ang HR mo o ang mismong ahensya.
- Ina-update namin. Kapag nalaman naming nagbago ang rates, ina-update namin ang calculator at ang article, kasama ang petsa ng update. Kaya laging i-check ang petsa at ang official source.
Sino kami
Ang Masyado ay isang independent na site. Hindi kami konektado sa BIR, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, o sa anumang ahensya ng gobyerno o kumpanya. Lahat ng numero ay chine-check laban sa official sources bago i-publish.
May nakita kang mali?
Salamat in advance! Mag-email sa hello@masyado.com. Iche-check namin ito laban sa official source at aayusin kung kailangan.