Loan Calculator: Magkano ang Hulog Mo Buwan-Buwan?
Ilagay ang halaga ng utang, interest rate, at ilang buwan babayaran, at ipapakita namin ang monthly amortization, kabuuang interest, at ang buong schedule ng bayad.
Hulog mo kada buwan
₱—
Ilagay ang halaga ng utang, rate, at term, at pindutin ang Compute.
| Total interest | |
|---|---|
| Total na babayaran | |
| Katumbas na diminishing rate | |
| Katumbas kada taon (× 12, nominal) | |
| Effective annual rate (compounded) |
Kung walang fees na ibinawas sa loan, ang ay ang effective interest rate (EIR) ayon sa paraan ng BSP (Circular No. 730 at Memorandum M-2011-040). Kung may fees o charges na ibinawas, mas mataas pa ang EIR sa disclosure statement ng lender.
Tingnan ang buong schedule
| Buwan | Hulog | Interest | Principal | Natitirang utang |
|---|
Ang hatian ng interest at principal sa schedule ay batay sa katumbas na diminishing rate. Puwedeng iba ang hatian sa statement ng lender (hal. pantay ang interest kada buwan), lalo na kung babayaran mo nang maaga.
Estimates only, not financial, tax, or legal advice.
Hindi kasama ang fees, insurance, at taxes; mas mataas ang totoong gastos kung meron.
Paano ito kinukuwenta?
- Diminishing balance: ang interest kada buwan ay rate × natitirang utang. Pantay ang hulog buwan-buwan; ang huling hulog ay ina-adjust nang kaunti para eksaktong ₱0.00 ang matira.
- Add-on: ang total interest ay utang × rate kada buwan × bilang ng buwan. Hinahati nang pantay ang utang at interest sa bawat buwan.
- Ang katumbas na diminishing rate ng add-on loan ay ang rate na magbibigay ng parehong hulog kung diminishing balance. Ang effective annual rate (compounded) ay (1 + rate kada buwan)^12 − 1, ang formula sa BSP Memorandum M-2011-040.
Mga ipinapalagay:
- Pantay ang hulog buwan-buwan, ang unang hulog ay isang buwan pagkatapos ma-release ang loan, at walang grace period.
- Kung kada taon ang rate, itinuturing itong nominal annual rate at hinahati sa 12.
- Walang fees, insurance, documentary stamp tax, o iba pang charges.
Hindi kasama:
- Loan fees, insurance, at taxes na ibinawas sa matatanggap mo o idinagdag sa hulog
- Penalty sa late payment, at pagbabayad nang maaga (prepayment)
- Minimum payment ng credit card at iba pang revolving credit
- Variable o repricing na rate
Mga halimbawa: ₱100,000.00, 12 buwan
| Hulog kada buwan | Huling hulog | Total interest | Total na babayaran | |
|---|---|---|---|---|
| 12% kada taon, diminishing | ₱8,884.88 | ₱8,884.85 | ₱6,618.53 | ₱106,618.53 |
| 1.5% kada buwan, add-on | ₱9,833.33 | ₱9,833.37 | ₱18,000.00 | ₱118,000.00 |
Ang 1.5% kada buwan na add-on ay katumbas ng 2.64% kada buwan kung diminishing balance (31.72% kada taon kung × 12, nominal; 36.76% effective annual rate, compounded). Para ikumpara, ang 12% kada taon na diminishing ay 12.68% effective annual rate.
Para sa mas mahabang paliwanag, basahin ang gabay namin sa add-on rate vs. diminishing balance.
Bago ka pumirma
Sa ilalim ng Truth in Lending Act (RA 3765), dapat ibigay sa iyo nang nakasulat, bago mo pirmahan ang loan, ang finance charge sa piso at ang rate nito. Ikumpara ang nasa disclosure statement sa result dito.
Mga source
- Truth in Lending Act (Republic Act No. 3765)
- BSP Circular No. 730, Series of 2011
- BSP Memorandum No. M-2011-040 (EIR computation)
- SEC notice on the computation of interest rates (2019)
Mga madalas itanong (FAQ)
Ano ang pagkakaiba ng add-on rate at diminishing balance?
Sa diminishing balance, ang interest kada buwan ay sa natitirang utang lang, kaya lumiliit ito habang nagbabayad ka. Sa add-on, ang interest ay kinukuwenta sa buong orihinal na halaga para sa buong term, kahit paliit nang paliit ang utang mo. Kaya sa parehong rate, mas mahal ang add-on.
Bakit mas mataas ang katumbas na rate ng add-on loan?
Dahil nagbabayad ka ng interest sa perang naibalik mo na. Halimbawa, ang ₱100,000.00 sa 1.5% kada buwan na add-on, 12 buwan, ay katumbas ng 2.64% kada buwan kung diminishing balance.
Ano ang effective interest rate (EIR)?
Ang EIR ay ang totoong rate ng utang kapag isinama ang paraan ng pagbabayad at ang fees o charges. Ayon sa BSP Circular No. 730, dapat itong ipakita ng mga bangko sa disclosure statement, at ayon sa SEC (2019 notice), ganito rin ang paraan para sa mga lending at financing company. Kung walang fees na ibinawas, ang katumbas na diminishing rate sa calculator na ito ang EIR kada buwan. Kung may fees, mas mataas pa.
Kasama ba ang fees at insurance sa computation?
Hindi. Hindi kasama ang processing fee, insurance, documentary stamp tax, at iba pang charges. Kung ibinawas ang mga ito sa matatanggap mo o idinagdag sa hulog, mas mataas ang totoong gastos ng utang kaysa sa result dito.