Skip to content

Take-Home Pay Calculator: Magkano Talaga ang Sahod Mo?

Ilagay ang monthly salary mo, at ipapakita namin ang SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, at withholding tax na kakaltasin, pati ang matitira sa'yo.

Ilagay ang sahod mo

Ang basic pay mo kada buwan, bago kaltas. Makikita sa payslip o job offer.

Mga fixed na allowance na may tax at regular mong natatanggap buwan-buwan. Hindi kasama ang overtime, commissions, o bonus.

Halimbawa: de minimis benefits gaya ng rice o clothing allowance, within BIR limits.

Take-home pay mo

₱—

kada buwan

Ilagay ang monthly basic salary mo at pindutin ang Compute para makita ang hatian ng kaltas.

Estimates only, not financial, tax, or legal advice.

Rates na ginamit

AhensyaEffectiveHuling na-checkOfficial source
SSSJanuary 1, 2025October 17, 2026SSS Circular 2024-006
PhilHealthJanuary 1, 2025October 17, 2026PhilHealth Advisory 2025-0002
Pag-IBIGFebruary 1, 2024October 17, 2026HDMF Circular 460
BIRJanuary 1, 2023October 17, 2026RR 11-2018, Annex E

Puwedeng iba ang actual payslip mo dahil sa company policies, rounding, at ibang kaltas. Para sa eksaktong halaga, i-check sa HR o payroll mo, o sa mismong ahensya.

Para kanino ang calculator na ito?

Para sa monthly-paid na empleyado sa private sector na may isang employer lang. Employee share lang ang ipinapakita. Ang SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG ay kinukuwenta sa basic salary lang. Sa totoo, total compensation ang batayan ng SSS, kaya kung may regular allowances ka, puwedeng mas mataas nang kaunti ang SSS mo.

Hindi kasama:

  • Solo parents na may valid Solo Parent ID (ang gobyerno ang nagbabayad ng PhilHealth employee share nila, ayon sa PhilHealth Circular 2026-0015)
  • Mga PWD na may trabaho at verified sa PWD Registry (ang gobyerno at employer ang naghahati sa PhilHealth premium nila, kaya walang employee share, ayon saPhilHealth Circular 2026-0017)
  • Minimum wage earners (tax-exempt ang statutory minimum wage nila)
  • Overtime, holiday pay, night differential, commissions, bonuses, at 13th month pay
  • Loans at ibang company deductions (SSS o Pag-IBIG loans, HMO, cash advance)
  • Year-end tax adjustment, mixed income earners, freelancers, self-employed, at OFW income

Halimbawa: ₱30,000.00 na buwanang basic salary

Monthly basic salary₱30,000.00
SSS (MSC ₱30,000.00)−₱1,500.00
PhilHealth−₱750.00
Pag-IBIG−₱200.00
Taxable income₱27,550.00
Withholding tax−₱1,007.55
Total deductions−₱3,457.55
Take-home pay₱26,542.45

Gusto mo ng step-by-step na paliwanag? Basahin ang gabay namin sa take-home pay.

Mga madalas itanong (FAQ)

Bakit iba ang resulta dito sa payslip ko?

Puwedeng may ibang kaltas ang employer mo, gaya ng loans, HMO, o cash advance. Puwede ring iba ang rounding o ang batayang sahod na ginagamit nila. Estimate lang ang calculator na ito, kaya i-confirm sa payroll o HR mo.

Sine-save niyo ba ang sahod na inilagay ko?

Hindi. Tumatakbo ang computation sa browser mo mismo, at walang ipinapadala sa amin.

Kasama ba rito ang 13th month pay, overtime, o bonus?

Hindi. Monthly basic salary at fixed allowances lang ang saklaw ng calculator na ito. Iba ang paraan ng computation ng 13th month pay, overtime, at bonus.

Paano kung solo parent o PWD ako?

Kung solo parent ka na may valid Solo Parent ID, o PWD na may trabaho at verified sa PWD Registry, ang gobyerno ang nagbabayad ng employee share mo sa PhilHealth, kaya walang PhilHealth na kaltas sa iyo. Hindi pa ito kasama sa calculator, kaya mas mataas nang kaunti ang totoong take-home pay mo kaysa sa ipinapakita rito.